Paghahandog Sa Aking Tinubuang Lupa

Nakatala sa kasaysayan ng pagdurusa ng sangkatauhan na mayroong isang kanser na napakabagsik, na sa konting hawak lang ay naiirita ito at pinagmumulan ng matitinding kirot at sakit. Gayundin, tuwing itinatawag kita sa aking isipan, upang makasama sa aking paglalakbay ang mga alaala mo, o kaya kapag ikinukumpara kita sa ibang mga bansa, ang iyong kaakit-akit na imahe ay lagi kong nakikitaan ng ganitong kanser sa lipunan.

Dahil gusto kitang mabigyan ng ginhawa, na ginhawa ko na rin, at gusto kitang mahanapan ng mabisang gamot, gagawin ko sa iyo ang ginawa ng mga sinaunang tao sa kanilang mga may sakit: itatanghal kita sa hagdan ng mga templo, at lahat ng mga mananamba doon na gumagamit ng pangalan ng Diyos ay siyang kailangang magmungkahi ng iyong gamot.

Para rito, gagawin ko ang lahat upang maipakita ang iyong kondisyon nang walang ibang kinokonsidera. Iaangat ko ang nakatakip sa iyong kasamaan, at isasakripisyo ko ang lahat para sa katotohanan, kahit ang sarili kong karangalan, dahil, bilang iyong anak, nagdurusa rin ako sa aking mga namanang depekto at kahinaan.

Ang May-akda.

Europa 1886.